SA ilang showbiz events na napuntahan media nina JK Labajo at Darren Espanto, na parehong produkto ng unang season ng The Voice Kids.

JK lang po

Ang alam namin ay magkaibigan ang dalawa, na matatandaang mahigpit na naglaban sa unang season ng The Voice Kids.

Ang hula pa nga noon ni JK ay si Darren ang mananalo, kasi nga bumibirit ang huli, na hindi naman ginagawa ng una. Tinuruan kasi si JK ni Coach Bamboo na “just be yourself”.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sabi pa noon ni Bamboo kay JK: “Kung lahat bumibirit, huwag ka bumirit.” Sinunod naman ito ng Cebuano singer.

Pero ang ending, si Lyka Gairanod ang nanalo.

“Anong nangyari sa mga ‘yun? Magkaibigan sila, bakit nagtatarayan na. Para silang mga tanga! Am sure may pinagmulan ‘yan, hindi lang ‘yan sa tweet-tweet na ‘yan. Mas malalim pa,” sabi ng isa naming katoto.

Hirit naman ng isa pa: “Hindi pa ba sila pinaghaharap sa Star Magic? “

Oo nga. Kapag may ganitong problema ay kaagad na ipinatatawag ng Star Magic head na sina Mr M (Johnny Manahan) at ni Ms Mariole Alberto ang mga artists nilang involved para mapagsabihan o mabigyan ng sanction.

Pero habang tinitipa namin ang balitang ito ay nalaman naming hindi hawak ng Star Magic si JK kundi under siya ng MCA Music, Inc., at wala ring komunikasyon sa kanya ang ABS-CBN.

Samantalang si Darren ay co-managed ng MCA at Star Magic, at ang balitang nakarating sa amin ay ang recording company nila ang dapat na kumausap sa kanila ni JK.

As of this writing ay sinasabing away-bata lang daw ang namamagitan kina Darren at JK, kaya ayaw patulan ng mga nangangasiwa sa kanila.

Sige hintayin na lang nating umabot sila sa edad 20 saka patulan. Ha, ha, ha!

-Reggee Bonoan