“Shoot them dead.”Ito ang utos ni Pangulong Duterte sa militar at pulisya sakaling muling okupahin ng mga komunistang rebelde at ng mga grupong kaalyado nito, ang mga lupa at manlaban sa pag-aresto.

Binantaan ng Pangulo ang komunistang grupo laban sa pangangamkam umano ng mga ito ng mga public at private properties.

“If you resist violently, makipag-away ka, then my orders to my soldiers and policemen is just simply to shoot. And if they are in danger, shoot them dead,” pahayag ni Duterte sa isang pagtitipon sa Davao City nitong Linggo.

“From now on there will be no confiscation of other people’s or somebody else’s property. Do not do that because you are sowing anarchy,” dagdag niya.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Determinado umano siyang matiyak ang kaayusan sa buong bansa.

“My orders to the police and the soldiers, shoot them. If they resist violently, shoot them. If they die, I do not care. And you can complain but let’s have order in this country because you are causing disorder,” giit ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na sangkot umano ang mga komunistang rebelde sa ilegal na pangangamkam ng lupa, kabilang ang mga nakatiwangwang na housing project ng pamahalaan.

Aniya, ganito rin ang nangyari sa Negros Occidental kamakailan, kung saan siyam na magsasaka na umookupa sa isang plantasyon ng tubo ang pinagbabaril at napatay ng mga armadong lalaki.

-Genalyn D. Kabiling