DAHIL madugo at napaulat na may mga babaguhin si Direk Jerold Tarrog sa script ng Darna movie ni Liza Soberano, next year na magre-resume ang shooting nito kaya dalawang buwang tengga ang aktres sa Nobyembre at Disyembre.

Liza

Wala ring umeereng teleserye si Liza ngayon, kaya kailangan siyang bigyan ng project, dahil nami-miss na siya ng supporters niya.

Timing naman dahil matagal nang may nasulat na script si Direk Antoinette Jadaone at nang i-pitch niya ito sa Black Sheep ay kaagad nagustuhan. Co-produce ng movie outfit nila ni Direk Dan Villegas, ang Project 8 cor San Joaquin Projects, ang pelikula na para kina Liza at Enrique Gil.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Super excited si Direk Tonette dahil matagal na pala niyang gustong makatrabaho ang LizQuen pagkatapos nina Angelica Panganiban at JM de Guzman (That Thing Called Tadhana, 2014); Coco Martin at Toni Gonzaga (You’re My Boss, 2015); Piolo Pascual at Sarah Geronimo (The Breakup Playlist, 2015); Joshua Garcia at Julia Barretto (Love You to the Stars and Back, 2017); at James Reid at Nadine Lustre (Never Not Love You, 2018).

Oo nga naman, pawang sikat na love teams na ang naidirek niya kaya talagang gumawa siya ng kuwento na babagay kina Liza at Enrique. Sa story conference ay sobrang nagandahan ang dalawang bida sa script, kaya talagang excited na silang mag-shoot.

As of this writing ay hindi pa binabanggit ang titulo ng pelikula ng LizQuen, at hindi pa rin kumpleto ang cast, kaya kung hindi magbabago ay sa huling linggo ng Nobyembre ang umpisa ng shooting nila. First quarter ng 2019 naman ang target date of showing.

-REGGEE BONOAN