CAMP DATU LIPUS MAKAPANDONG, Prosperidad, Agusan del Sur - Napaslang ang dalawang umano’y kaanib ng New People’s Army nang makasugupa ng kanilang grupo ang militar sa bulubundukin ng Andap Valley Complex sa Surigao del Sur, kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Civil Military Operation (CMO) officer,

Maj. Rodulfo Cordero, Jr., ng 401st Infantry Brigade (IB) ng Philippine Army (PA).

Ipinahayag ni Cordero na bago ang insidente ay nagpapatrulya ang mga tauhan ng 75th IB at 3rd Special Forces Battalion sa Mt. Diwata sa hangganan ng Lianga at San Agustin nang makasagupa nila ang mga kaanib ng CPP-NPA Northeastern Mindanao Regional Committee.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dalawang rebelde ang nasawi, habang dalawang sundalo ang nasugatan sa bakbakan, ayon kay Cordero.

“Andap Valley Complex is also known as the staging area of the Communist New People’ Army Terrorists (CNTs) whenever it conducts atrocities,” sabi pa ng opisyal.

-Mike U. Crismundo