RIO DE JANEIRO (AFP) – Ang dating army captain na si Jair Bolsonaro, binansagang “Tropical Trump” dahil sa kanyangpolitically incorrect vitriol, at paghanga sa American leader, ang nahalal na president ng Brazil nitong Linggo.

Kahit ginalit niya ang marami sa hayagan niyang pagsusuporta sa paggamit ng torture ng dating military regime ng Brazil, at mga pahayag na itinuturing na misogynist, racist at homophobic, nakuha pa rin ni Bolsonaro ang boto ng mga mamamayan na galit sa katiwalian, krimen, at problema sa ekonomiya higanteng bansa sa Latin American.

Sa opisyal na resulta, nakuha ng president-elect ang 55.13 porsiyento ng boto kumpara sa 44.87% ng kalaban nitong si Fernando Haddad, sa 99.99% nabilang na balota.

Uupo sa puwesto si Bolsonaro, 63, sa Enero 1.

Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na

Nangangako siya ng fundamental change sa Brazil.

‘’We will change Brazil’s destiny together,’’ ani Bolsonaro, sa kanyang victory speech.