Inaasahang magpapaulan ang bagyong ‘Yutu’ (international name) sa susunod na linggo sa hilaga at gitnang Luzon, kapag pumasok na ito sa Philippine area of responsibility (PAR) bukas, Oktubre 28.

Batay sa huling weather update ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon, natukoy ang Yutu may layong 2,120 kilometro sa silangan ng Central Luzon, bitbit ang lakas ng hanging aabot sa 180 kilometers per hour (kph), at bugsong 220 kph.

Ayon sa PAGASA, sakaling mapanatili ng Yutu ang bilis nito, tinatayang papasok ito sa Pilipinas bukas, at tatawaging ‘Rosita’.

Kapag nag-landfall, magpapaulan ang Yutu sa Northern at Central Luzon at sa ilang bahagi ng Southern Luzon simula sa Lunes.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

-Alexandria Dennise San Juan