SOBRANG excited na ang mga fans nang lumabas ang pictorial ng bumubuo sa powerfull cast ng sisimulang afternoon prime drama series ng GMA-7, ang Inagaw na Bituin.

Cast of Inagaw na Bituin

Noong una kasi, sa isang presscon ng endorsement ni Kyline Alcantara kamailan, tanging ang pangalan ni Therese Malvar ang nabanggit niyang kasama sa cast ng bago niyang serye.

Pero isa ngang powerhouse cast ang makakasama nila ni Therese, ang pinakamahuhusay mula sa mga top-rating teleserye ng GMA.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Nangunguna nga sa cast sina Sunshine Dizon at Angelika dela Cruz, mula sa top-rating afternoon prime na Ika-6 Na Utos; si Marvin Agustin mula naman sa Kambal Karibal; at si Gabby Eigenmann ng Contessa.

Si Migo Adecer ang magiging leading man nina Kyline at Therese, na mula naman sa napapanood pa ngayon at top-rating din na afternoon series, ang Ika-5 Utos. Kasama rin sa cast sina Angelu de Leon, Renz Valerio, at marami pang iba.

Si Direk Mark Reyes ang magha-handle sa serye, na excited din dahil first time niyang magdidirek ng isang afternoon soap.

Tiyak na ang showdown ng dalawang pinakamahuhusay na young actresses sa ngayon—si Kyline, na nakatanggap kamakailan ng acting award sa kanyang pagganap sa Kambal Karibal; at si Therese, na ka-tie ang kanyang sarili nang iuwi ang dalawang Best Supporting Actress trophies mula sa 14th Cinemalaya Awards, Agosto ngayong taon.

Anytime now, magsisimula nang mag-taping ang buong cast.

-Nora V. Calderon