NAKAMIT ng Super Eagles ang ikalawang sunod na 7’s Football League title nang pabagsakin via penalty shootout ang mahigit na karibal na Ghana FC nitong Lunes sa McKinley Hill Stadium.

AKSIYON sa 7’s Football League.

AKSIYON sa 7’s Football League.

Abot-kamay na ng Ghana ang panalo matapos maka-goal si Sam Adams sa ika-33 minuto ng laro. Ngunit, nagawang maitabla ni Fidelis Nnabuife ang iskor sa ika-49 minuto na nagdala sa laro sa shootout.

Kapwa matikas ang magkabilang panig dahilan upang umabot sa 10 pares ang penalties.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa huli, ang tirada ni Lawrence Ikegoruka ang nagdala sa Super Eagles sa tagumpay.

Umabot din sa shootout ang laro ng All-Star Game – binubuo ng mga dati at kasalukuyang platers ng National Team.

Nauwi sa shootout ang laro ng Azkals Legends at All-Star Daniel Matsunaga.

Kasama sa Azkals Legend sina Kevin Ingreso, Aly Borromeo, at

Anton Del Rosario.

-Ernest Hernandez