MULING mapapanood ang aksiyon sa Beach Volleyball Republic On Tour para sa ikawalong leg ng 2018 season sa Sabado sa Lio Beach -- isa sa pinakamayuming beach – sa El Nido, Palawan.

LIYAMADO muli ang tambalan nina Charo Soriano at Bea Tan, kampeon sa Puerto Galera leg nitong Enero, sa El Nido stage ng BVR.

LIYAMADO muli ang tambalan nina Charo Soriano at Bea Tan, kampeon sa Puerto Galera leg nitong Enero, sa El Nido stage ng BVR.

Tampok sa dalawang araw na torneo ang 16 koponan – walong babae at walong lalaki – sa pangunguna ng Palawan State University at Lio El Nido.

Magbabalik aksiyon si Charo Soriano, huling sumabak sa Santa Ana Open nitong Hunyo, para muling makasama si Bea Tan sa Perlas-1.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I’m back in the game. First time playing beach volleyball again and it feels so good,” pahayag ni Soriano.

Napagwagihan nina Soriano at Tan ang Puerto Galera leg noong Enero at ang karanasan bilang matagal nang tandem ang bentahe ng dalawa para makaulit sa podium.

Sasabak din sina Perlas-2’s Dzi Gervacio at Roma Doromal, Air Force 1’s Mariel Legaspi at Mae Crisostomo, Air Force 2’s Coyah Abanto at Jen Acain, at PSU’s April Sayang at Zarah Javarez.

Lalarga naman sa men’s division sina dating UAAP champion KR Guzman at Yee, Air Force’s Philip Nunez at Mike Abria, Army’s Joshua Barrica at Randy Flores, Manila Unicorns’ Neil Flores at Justin Santos, Wildcard’s Mikhail Shavrak at James Buytrago, at PSU’s Janry Corpuz at Allan Aborot.