TWELVE years old pa lamang si Julian Marcus Trono nang pasukin niya ang showbiz nang mapabilang sa children show na Tropang Potchi. Taong 2010 nang mapansin at hangaan siya ng publiko sa dance floor dahil sa pagpe-perform niya sa Party Pilipinas.
Bilang aktor, nakalabas na siya sa serye gaya ng Amaya, Anna Karenina, Dear Uge at marami pang iba. Taong 2017 nang tumatak nang husto ang galing niya sa pag-arte nang maging isa sa cast ng Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz. Sinundan ito ng bigger role sa Fan Boy, Fan Girl, at naging ka-love team ni Ella Cruz.
Ngayon naman ay nakatutok si Julian sa pagiging recording artist at itinuturing na crowd favorite sa Pilipinas sa Phil Pop 30 list. Ang entry ay umabot na sa 7,000 streams sa Spotify.
-REMY UMEREZ