Nagbabala ang maritime industry sa pagbaba ng bilang ng Philippine Registered Vessels (PRVS) at nanawagan sa Department of Transportation (DOTr) at Maritime Industry Authority (MARINA) na tugunan ang problema.
Sinabi ng United Filipino Seafarers (UFS), unyon ng 57,000 maritime professionals, na noong nakaraang taon, ang ang record ng domestic PRVs ay nasa 16,935 habang 116 na barko ang naglalayag nitong nakaraang taon.
Ang 116 PRVs sa international waters ay mas mababa kumpara sa mahigit 800 barkong naitala noong 1988, diin ni UFS president at engineer Nelson Ramirez.
Nangungulelat din ang Pilipinas sa mga katabing bansa nito sa Asia sa larangan ng overseas ship registration, ayon sa grupo ng mga seaman.
Hinihiling ng UFS sa gobyerno na kaagad kumilos para maresolba ang pagbaba sa bilang ng mga barkong naglalayag sa ilalim ng bandila ng Pilipinas at registration ng overseas ships.
“Thi should be the focus of the present administration of DOTr and MARINA,” ani Ramirez.
-Raymund F. Antonio