Kasunod ng pagpapahintulot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magtaas-pasahe ang jeepney at bus, nagpatupad ng serye ng big-time rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa nitong Sabado, Linggo, hanggang ngayong Lunes.

Sa abiso ng Flying V at Petron, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Lunes ay magtatapyas ito ng P1.85 sa kada litro ng gasolina, habang 90 sentimos naman sa diesel at kerosene.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo, na bunsod pagbaba ng presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.

Nitong Oktubre 13, 14, at 15 ay bumaba rin ng 85 sentimos ang kada litro ng gasolina, 65 sentimos sa diesel, at 20 sentimos naman sa kerosene.

Eleksyon

Mayoral bet, pumalag sa isyu ng driver niyang dinakip dahil sa 'food packs'

-BELLA GAMOTEA