ANG pinakapresthiyosong labanan ng mga stags o mga batang manok-panabong sa Cebu ay papagitna ngayon araw, Linggo ika-21 ng Oktubre, sa Gallera de Mandaue sa Mandaue City sa paglalatag ng pinakahihintay na Blue Blade / RJM Super Big Event 7-Stag Derby.
Kabuuang 123 sultada sa pagitan ng 35 matitibay na entries ang papagitna simula 11:00 ng umaga.
Handog ng dalawang naghaharing World Pitmasters Cup co-champions Engr. Sonny Lagon at ang matalik niyang kaibigan na si RJ Mea ng lalawigan ng Quezon, ang dalawa ay dadalhin ang mga pinakasikat at pinakamahuhusay na mga mananabong at mga gamefowl breeders mula sa iba-ibang bahagi ng bansa papunta sa isla ng Cebu para sa isang makasaysayan labanan ng mga pinakamagagaling na bagong linyada ng mga tinale sa Pilipinas.
Nasa pagtataguyod ng Thunderbird Bexan XP at Thunderbird Platinum, ang labanan ito ay may entry fee na P220,000 at minimum bet na P55,000.
Magtutuos sa ibabaw ng ruweda sina Atong Ang, Gerry Ramos, Gov. Eddie Bong Plaza, Arjay Mea, Eric dela Rosa, Engr. Femy Medina, Mayor Ambin Amante, Anthony Lim, Edwin Tose, Mayor Goto/ Aldo, Danny-Bulldog, Ricky Magtuto, Barry Crisostomo, Cong. Peter Unabia, Engr. Jun Sevilla, Halcon Talavera, Bong Pineda, Atty Edgar Santos, Ramon Manzenares, Bobby Go, Robert Yu/ Elwin Javelosa , Mayor Yap, Atty. Arcal Astorga, Dori Du, Gov. Claude Bautista, Larry Rubinos, Jun Bacolod, Procy Terrei, Jun Roble/Dante Islabon, Cano Daniel, Rey Cañedo at Jayson Garces
Ang mga bibitawan ay mga manok na wingbanded ng Federation of International Gamefowl Breders Associations (FIGBA) para sa 2018 Bakbakan o ng Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan), Inc. (PFGB-Digmaan) para sa 2018 Digmaan.