CABANATUAN CITY - Magandang balita para sa mga masasaka na itinaas ng National Food Authority (NFA) ang bilihan nito ng palay sa P20 kada kilo mula sa dating P17.

Ayon kay NFA-Region 3 Director Piolito Santos, nagdagdag ang ahensiya ng P3 insentibo para sa mga

kooperatiba at sa iba pang samahan na makapagde-deliver ng mas maraming varieties ng inaning palay sa NFA.

Sa ngayon, maaari nang makapamili ang NFA ng halos P2.7-milyon sako ng palay para makatulong na mapababa ang presyo ng bigas, kaya nag-alok ang ahensiya ng dagdag na insentibo sa mga magsasaka.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon pa kay Santos, ang presyo ng short grain ay nasa P17 kada kilo, habang P19 naman ang long grain.

Pumalo naman sa P16-P16.50 ang bilihan sa bawat kilo ng sariwang palay, habang nasa P21 ang presyuhan sa tuyo at malinis na palay na may 24 na porsiyentong moisture content.

Matatandaang naging zero buffer stock ang NFA noong Abril at nagkaubusan ng supply ng murang NFA rice sa mga palengke sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Dumating pa sa puntong nagdeklara ng state of calamity ang Zamboanga City dahil sa kakapusan ng bigas, at napaulat na umabot sa P70 ang per kilo na bentahan ng bigas sa siyudad.

-Light A. Nolasco