Kakaliskisan ng Senado ang ikatlong telecommunication service na nais pumasok sa merkado, para matuldukan na ang duopoly sa sektor ng telcos.

Ayon kay Senador Grace Poe, malaki ang magiging papel ng Senate committee on public service para matiyak na karapat-dapat ang ikatlong kumpanya.

Sa ngayon, monopolyado ng Globe at Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company ang industriya ng telco, pero matagal nang umaangal ang mga consumers sa umano’y palpak na serbisyo ng mga ito, partikular sa usapin ng napakabagal na Internet sa bansa.

Interesado naman ang Now Corp, Converge ICT Solutions, at Philippine Telegraph and Telephone Corporation (PTTC) na pumasok sa industriya.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

“The committee will play a major role in tackling the congressional franchise of the applicant. We need to have meaningful competition in public utilities like telecommunications that will translate to lower costs and better service,” ani Poe.

Bukod sa mga kinatawan ng mga nabanggit na telcos, imbitado rin sa pagdinig sa Senado ang Department of Information and Communications Technology (DICT), at National Telecommunications Commission (NTC).

-Leonel M. Abasola