DOHA (AFP) – Tinamaan ang Qatar ng malawakang pagbaha nitong Sabado, tinanggap ng desert state ang halos isang taong dami ng ulan sa isang araw.

Hindi maraanan ang mga daan, naantala ang biyane ng mga eroplano, at binaha ang kabahayan, habang nagsara ang mga tindahan at unibersidad.

Nag-tweet si Steff Gaulter, senior meteorologist ng Qatar broadcaster Al Jazeera, na nakaranas ang isang bahagi ng kabisera, ang Doha, ng pinakamaraming ulan nitong Sabado. “Abu Hamor (a suburb) now reporting 59.8mm. (Doha average annual rainfall is 77mm.),” isinulat niya.

Pagsapit ng gabi, tinatayang 61mm ng ulan ang bumagsak.

National

‘Huli sa akto!’ Empleyado sa GenSan, sinubukan umanong lasunin ang boss niya

Napilitan ang Qatar Airways na ilipat ang ilang biyahe nito, na lumikha ng sakit ng ulo dahil hindi pinapayagan ng mga katabi nitong Saudi Arabia, United Arab Emirates, at Bahrain ang Doha na gamitin ang kanilang airspace, dahil pa rin sa diplomatic rift.

Ilang biyahe patungong Qatar ang napilitang lumapag sa Kuwait at Iran.

Nagbabala ang Qatar public works authority sa drivers na iwasan ang tunnels dahil sa baha. Ipinakita sa social media sa Qatar ang mga sasakyan na nakalubog sa tubig, matapos ang thunderstorms sa Doha. Napilitan ding magsara ang US embassy kahapon dahil sa masamang panahon.