May 27, 2026

Home BALITA National

EJK Truth Commission, inilunsad; human rights group, ilalantad drug war killings!

EJK Truth Commission, inilunsad; human rights group, ilalantad drug war killings!
Photo courtesy: Mark Balmores/MB

Pormal nang inilunsad nitong Miyerkules, Mayo 27, ang Extra Judicial Killings (EJK) Truth Commission sa pangunguna ng iba’t ibang human rights advocates, faith leaders, at civil society groups.

Sa ulat ng Manila Bulletin, layunin daw ng independent at civilian-led body na maitala at makabuo ng isang kapani-paniwalang public account hinggil sa umano’y EJK at iba pang human rights abuses sa bansa, halos sampung taon matapos lumala ang mga pagpaslang kaugnay ng war on drugs noong 2016.

Ayon sa grupo, nais nilang mailabas ang katotohanan at mabigyan ng boses ang mga pamilya ng mga nasawi at mga biktima ng karahasan.

Gagabayan naman ng adviser na si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang komisyon upang mapanatili umano ang integridad, pagiging independent, at paninindigan nito para sa katotohanan, hustisya, at paghilom.

Matatandaang naging kontrobersiyal sa loob at labas ng bansa ang kampanya kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano'y libo-libong napaulat na pagkamatay kaugnay ng anti-drug operations.

National

Sen. Risa kontra sa videoconferencing push ng mayorya, 'wag daw ikumpara kay De Lima

Sa kasalukuyan, siya ay nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).