CIUDAD HIDALGO (AFP) – Pinayagan ng Mexican authorities nitong Sabado ang dose-dosenang kababaihan mula sa Honduran migrant caravan na dumaan sa teritoryo nito, sinabi ng Mexican ambassador to Guatemala.

Inihayag ni Luis Manuel Lopez na ang mga babae at bata ay ipoproseso ng immigration authorities at dinala sa isang shelter sa lungsod ng Tapachula, 40 kilometro ang layo.

Ang mga babae at bata ay bahagi ng grupo ng libu-libong Honduran migrants sa hangganan ng Mexico sa Guatemala na umaasang makakarating sa United States.
Internasyonal

‘Doraemon’ voice actor Nobuyo Oyama, pumanaw na