Naniniwala ang isang paring Katoliko na ang pagbaba ng moralidad ng tao ang isa sa mga pangunahing dahilan ng paglobo ng mga kaso ng HIV-AIDS sa bansa, partikular na sa hanay ng kabataan.

Nanindigan naman si Fr. Norman Peña, executive secretary ng Episcopal Commission on Culture, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na normal sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging konserbatibo at ang pagkakaroon ng mataas na moralidad, dahil sa pagiging Kristiyanong bansa ng Pilipinas.

Gayunman, sinabi ni Peña na dahil sa nagbabagong impluwensiya ng lipunan ay kapansin-pansin ang pagbaba ng moralidad at unti-unting pagiging agresibo ng kabataan, partikular sa sexual activity.

“Sa Pilipinas as a culture, mataas ang morality natin kasi nga Catholic tayo. Pero ang mababa ay ‘yung observance ng morality, ‘yun ang kailangan din natin i-distinguish, kasi in reality tayo din, in sense of observance hindi natin natutuunan ng pansin.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Ang dami nating inaalala, maraming mga problema. So siguro ganun even the young people, parang naiimpluwensiyahan, because of that, ‘yung mga nakikita nila around, naiimpluwensiyahan ‘yung observance nila ng morality,” sinabi ni Peña sa panayam ng Radyo Veritas.

Batay sa huling datos ng Department of Health (DoH), nito lang Agosto 2018 ay nakapagtala ang kagawaran ng 1,047 bagong kaso ng HIV.

Sa loob din ng nasabing buwan, umabot sa 159 ang naiulat na namatay dahil sa AIDS.

-Mary Ann Santiago