BUKOD sa Best Drama Actor at Best Drama Actress, na pawang major awards na ipinagkakaloob ng PMPC Star Awards for Television, kasing tindi rin ng mga ito ang impact ng kategoryang Best Single Performance By an Actor/Actress as far as drama content is concerned.

James

Kaya naman dobleng-saya para kay James Blanco na sa kanya ipinagkaloob ang trophy for Best Single Performance By An Actor sa nakaraang PMPC Star Awards for Television, sa Lee Irwin Theater ng Ateneo De Manila University last Sunday. Kinilala ang husay niya sa pagganap bilang isang ama na drug addict sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya. First drama acting award ito ni James.

Emosyonal ang naging “thank you” speech ni James.

Tsika at Intriga

Sparkle naglabas na ng pahayag kaugnay kay Julie Anne San Jose

“Palagi lang akong nominated noon, pero ngayon lang ako nanalo ng ganitong major acting award,” bungad ni James.

“’Yung ganitong award parang bonus na sa akin. Basta ang lagi kong iniisip kapag nano-nominate ako, gift na ‘yun sa akin, eh. Madalas kasi sa movies nano-nominate din. First time ko sa TV, kaya medyo nakakatuwa.

“Ang unang-unang nagbigay sa akin ng award noon ay PMPC rin, Best New Male TV Personality ‘yun. Kaya after 18 years bumalik na naman ako dito, sa bagong nominasyon kaya nakakatuwa,” masaya niyang pahayag.

Ayon pa kay James, malaki ang pasasalamat niya sa ABS-CBN at sa MMK na sa kanya ipinagkatiwala ang nasabing role.

“Sobrang pasasalamat ko kasi ang daming artista na puwede nilang bigyan ng ganung role. Hindi naman din ako artista ng ABS (CBN). Kaya napakalaki ng pasasalamat ko, unang-una na siyempre kay Direk Nuel Naval at sa MMK,” pahayag niya.

Para sa isang aktor na gaya ni James, isang moral booster ang acting award para sa isang artistang katulad niya?

“Mas gaganahan ka lalong pag-igihan ang trabaho. Lalo mong pinagbubuti, lalo kang nai-inspire,” sabi ni James.

Samantala, tuloy pa rin ang plano ni James at ng kanyang misis na dalhin sa New Zealand ang kanilang mga anak para roon na mag-aral.

“Sa amin naman kasi, yung mga bata gusto talagang mag-aral sa New Zealand. Ako naman, kami ng wife ko dito pa rin sa Pilipinas.

“May ginagawa naman kaming negosyo, so napag-usapan naming mag-asawa, habang nag-aaral ang mga bata at wala pang trabaho, nandun ako. Kapag may trabaho na, babalik ako dito.

“Hopefully, next year pupunta na sila dun. Gusto nang mag-aral ng mga bata. (New Zealand) Citizen naman ‘yung wife ko, dun siya ipinanganak sa New Zealand,” sabi pa ni James.

Tiniyak naman ni James na wala siyang balak iwan ang pag-aartista at tuluyan nang mag-migrate sa New Zealand.

“Hindi ko naman iiwan itong industriyang mahal na mahal ko. Even naman ‘yung mga anak ko, ayaw din nila. Saka very passionate talaga ako sa ginagawa ko dito,” sabi pa ni James.

-Ador V. Saluta