Isang fetus ang natagpuan sa tambak na basura sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nadiskubre ang fetus, na inilarawang nasa pagitan ng lima at anim na buwang gulang at hindi pa tukoy ang kasarian, pasado 4:00 ng madaling araw.

Naglalakad umano si Domingo Dizon, nasa hustong gulang, sa may Claro M. Recto Avenue nang mapuna ang fetus na nakasilid sa isang plastik at nakapatong sa tambak na basura.

“Nakita ko po na fetus, kaya po binuhat ko po,” ani Dizon.

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Agad na dinala ni Dizon ang fetus sa pinakamalapit na pulisya upang maimbestigahan.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang nagtapon ng fetus.

-Mary Ann Santiago