KAUGNAY ng selebrasyon ng World Spine Day nitong Martes, gumagawa na ngayon ng hakbang ang isang health advocacy group upang itaas ang kamalayan tungkol sa bihirang uri ng arthritis na nakaaapekto sa spine o gulugod.
Ang sakit, na tinatawag na Ankylosing Spondylitis (AS), ay sobrang bihira lamang at ang apektado nito ay dalawang porsiyento lang ng populasyon, ayon sa Philippine Rheumatology Association (PRA).
Inihayag ni Clark Ferrer, pangulo ng Ankylosing Spondylitis Association of the Philippines (ASAPh), na dahil sa selebrasyon ay nagkaroon siya ng lakas at ideya na ilunsad ang public awareness drive tungkol sa naturang sakit.
“Being a person with the disease, natatakot ako na ang mga may AS na gaya ko ay hindi sila aware na meron sila nito. Sana maagapan kasi may kakilala ako na tatlong taon nang nakahiga lang pero hindi pa rin niya alam na may AS siya,” sabi ni Clark sa Philippine News Agency (PNA) sa isang panayam.
Ang grupo, na katuwang ang gobyerno at ilang pribadong health sectors sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa AS at nag-aabot ng tulong pinansyal sa mga pasyenteng may AS, ay lumagda sa memorandum of understanding (MOU) kasama ng PRA at Novaritis Healthcare Philippines upang i-promote ang agarang pagkakatuklas at kalunasan sa sakit.
Ayon kay Clark, 12 taong gulang lamang siya nang maranasan ang unang sobrang pananakit ng kanyang balakang, na isa sa pangunahong sintomas ng AS.
Aniya pa, dahil sa pananakit ng balakang ay tatlong buwan siyang namalagi sa higaan para magpagaling at limang beses itong naulit sa kanya, makaraan niyang makarekober sa unang pag-atake ng sakit.
“It was only recently that I was diagnosed with AS after consulting a rheumatologist. It makes you unproductive, helpless and depressed. So, I thought of partnering with the government and the private sector because we can’t do everything on our own,” sabi niya.
Sinabi naman ni Novaritis chief scientific officer Francis Domingo na ang awareness sa AS ay mababa dahil tatagal ng walong taon bago pa man matukoy na may sakit na AS ang isang pasyente.
“All concerned stakeholders need to work together to promote early diagnosis and treatment by a rheumatologist and prevent irreversible damage,” aniya.
Samantala, ipinaliwanag naman ni PRA president Julie Li-Yu kung paanong nagiging sanhi ng ng inflammatory back pain ang AS is different, mula sa isang regular o mechanical back pain na na nakukuha naman mula sa mga pisikal na aktibidad.
“Symptoms will always include back pain accompanied by other AS symptoms like eye problems, colon infections, psoriasis, heart problems so we work closely with gastroentologists, ophthalmologists, dermatologists and cardiologists,” sabi niya.
Binanggit sin ni Julie na ang AS ay namamang sakit na nakaaapekto sa mga bata at matatanda, at kadalasang lumalabas ang mga sintomas nito sa produktibong taon ng pasyente.
Sa naturang sakit, mararamdaman ang paglala ng pananakit ng likod, at hindi makagagalaw ng ayos ang mga AS patients, at kahit na ang pagtatali ng sintas ng sapatos, pagbibihis, o kaya ay paglingos ng kanilang mga ulo habang nagmamaneho ay mahirap.
“There’s no cure but we can try to control the disease. We want to catch patients during their inflammatory back pain stages especially those in young teens and early adults. Early recognition is best so we can delay the progression of the disease, there are drugs we could offer but not just pain relievers because they won’t be enough,” aniya pa.
PNA