Tiniyak kahapon ni Makati City Police chief, Senior Supt. Rogelio Simon na walang ilalabas na resolusyon ang Makati Regional Trial Court (RTC) kaugnay ng mosyon ng Department of Justice (DoJ) sa maglabas ng alias warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Senador Antonio Trillanes IV, para sa kasong kudeta.

Ayon kay Senior Supt. Simon, nakausap niya si Makati RTC Branch 148 Judge Andres Soriano para sa updates ng inaasahang paglalabas kahapon ng resolusyon ng korte, pero patuloy pang pinag-aaralan ng hukom ang kaso ng senador. Idinugtong pa ng Makati Police chief na dalawa hanggang tatlong oras bago ilabas ang resolusyon ay maagang ipaaalam ni Judge Soriano ang nilalaman nito.

Aniya, posibleng hindi pa rin makapaglabas ng desisyon ang korte dahil sarado ang Senado ngayong Biyernes.

-Bella Gamotea
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20