Kulong ang dalawang lalaki matapos na magdulot ng trapik dahil sa pagtatawag ng mga pasahero sa jeep sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nadakip na sina Noel Leones, 18; at Jeffrey Zarate, 18, kapwa residente ng No. 60 Valdez Compound, Barangay Paso De Blas ng nasabing lungsod.

Sa panayam kay Police Chief Insp. Jose R. Hizon, head ng Station Investigation Unit (SIU), pinahinto ng dalawa ang mga pampasaherong jeep sa tapat ng supermarket sa Bgy. Paso De Blas, dakong 10:05 ng gabi.

Dahil dito, sumikip ang daloy ng trapiko sa lugar at nalabag ang Ordinance No. 291 Series of 2016 (Anti-Barker Law) kaya inaresto ang mga suspek.

National

Romualdez, iginiit na handa na Kamara na makatrabaho ang mga papalit na gabinete ni PBBM

Pinagmulta ang mga suspek ng P2,000.

-Orly L. Barcala