Nasungkit kamakailan ng Dubai ang Guiness World Record para sa paggamit ng Lego block upang ipakita ang mensahe tungkol sa paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Inanunsiyo ng Roads and Transport Authority ang tagumpay na nakamit para sa pinakamalaking awareness message gamit ang mga Lego blocks ng buuin nito ang Lego plaque na nagsasabing, “Your life is worth more than a phone call,” sa salitang Arabic at English.
Ayon sa mga nag-organisa, binubuo ang plaque ng 140,000 Lego bricks, na may 20,000 bricks sa bawat salita.
“The underlying objective of this achievement is to send a loud and clear awareness message to motorists cautioning them against the risks of using of using phones while driving,” pahayag ni Khaleej Times sa pagdiriwang, bilang mensaheng ipinarating ni Maitha bin Adai, head of the Roads and Transport Authority
“Traffic studies indicate that the probability of traffic accidents where motorists are using mobile phones while driving is four times higher than those not using it,” sinabi ni Maitha.
UPI