NATUTUWA ang followers ni Kris Aquino dahil open na uli ang comment box ng Instagram account nito, kaya may interaction na uli sila sa TV host-actress.

Ipinost ni Kris ang message sa kanya ng bagong Department of Foreign Affairs (DFA) secretary na si Teddy Boy Locsin, reminding her to take care of her health.

Ibinalita rin ni Kris na muli siyang pumirma ng kontrata na maging endorser muli ng beauty soap na in-endorse niya 30 years ago. Dedicated sa mom niyang si former President Cory Aquino ang balik-endorsement niya.

May reaction pala si Kris sa lumabas na fake news sa Facebook na pumanaw na siya: “When they say you are dead humahaba pa ang life. I still want to torment the mom of Bimb’s future GF.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

The last time we checked, deleted na ang fake news na pumanaw na raw si Kris. Nakonsensiya yata ang nagpakalat ng maling balita, o posible ring narindi sa mga rumesbak dito.

Pinatawa rin ni Kris ang followers niya sa ikinuwento niya na noong President pa ang mom niya, pinayagan siyang lumabas at magmeryenda with a Moroccan prince, pero hindi na pumayag si Tita Cory sa post dinner dessert.

“I cried, and told her she was depriving me of the chance to become a princess. Oh well, naging horror queen, queen of all media. And queen of endorsements naman,” post ni Kris.

-Nitz Miralles