PINABAGSAK ng University of Perpetual Help Dalta System-Binan ang San Pedro College of Business Administration, 75-48, at winalis ng Asia Technological College ang San Pablo College, 81-75, sa pagsisimula ng Philippine University Basketball League (PUBL)-Pacquiao Youth Champs Trophy basketball championship sa Umbria gym sa Binan.

Apat na players, sa pangunguna ni Sean Laban, ang umiskor ng double figures para sa Binan-City based Saints nina manager Steve Salazar, coach Vic Escudero at assistant coach Merlin Custodio.

Nagpasiklab si Laban sa kanyang 14 puntos para sa Perpetual Help, kasunod sina Angelo Alanguilan (13 puntos), Angelo Rosale (12) at John Paulo Paras (11).

Sa isa pang laro, kumamada sina Jayniel Ilac at Rickson Gerero para sa panalo ng ATC laban sa San Pablo College.

Sina Ilac at Gerero ay kapwa miyembro rin ng Pateros sa Metro League Open ng MMDA.

'I really love you kuya!' Tapatang Pacquiao brothers, ekis mangyari!

Kumubra si Illac ng 20 puntos, habang si Gerero ay may 19 puntos.

Si Basketball Association of the Philippines (BAP) Region 4 head Leonardo “Ding” Andres ang nagsagawa ng ceremonial jump ball.

Ang top team sa nasabing Laguna leg ng Pacquiao’s Trophy ay sasabak sa semifinals na lalahukan din ng mga kampeon ng tatlo pang legs.

Ang kampeon ay magiging kinatawan ng bansa sa10th Asian University Basketball Championship simula Nobyembre 18 sa Sta, Rosa, Laguna.