Nalagay sa alanganin ang buhay ng isang binata makaraan siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang sabungan sa Malabon City, nitong Martes ng gabi.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inoobserbahan pa sa ospital si Marlon Tolentino, 22, ng C-4 Road, Bagong Bayan, Navotas City, dahil sa mga tama ng bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report, bandang 9:10 ng gabi nang mangyari ang pamamaril sa biktima sa harap ng Dampalit All Star Cockpit Arena, na nasa Don Basilio Bautista Boulevard sa Barangay Dampalit, Malabon City.

Nabatid na pasakay sa kanyang motorsiklo (1438-HW) at paalis na sa sabungan si Tolentino nang biglang lapitan ng dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklong walang plaka at kapwa nakasuot ng bonnet.

Probinsya

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan

B uma b a a n g l a l a k i n g nakaangkas at tatlong beses na binaril ang biktima saka humarurot patungong Obando, Bulacan.

Kahit duguan, nagawang mapaandar ni Tolentino ang kanyang motorsiklo hanggang sa bumangga ito sa sasakyan ni Michael Rojas, 35, negosyente, ng Viente Reales, Valenzuela City, na nakaparada sa tapat ng hardware, ilang metro ang layo sa sabungan.

Dinala sa ospital si Tolentino.

Base naman sa pag-iimbestiga ng pulisya sa mga mensahe sa cell phone ng biktima, natukoy na may kinalaman umano sa ilegal na droga ang motibo sa pamamaril sa biktima.

Narekober ng mga pulis ang tatlong basyo ng bala ng .45 caliber pistol sa crime scene.

-Orly L. Barcala