May kabuuang 195 ordinance violators ang hinuli ng mga pulis sa katimugang bahagi ng Metro Manila sa magdamag, ayon sa Southern Police District (SPD).

Sa ulat ni Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng SPD, nagsagawa ng implementasyon ng mga ordinansa ang mga awtoridad sa Pasay City, Makati City, Parañaque City, Las Piñas City, Muntinlupa City, Taguig City, at Pateros.

Sa naturang bilang, 18 ang naaktuhang nag-iinuman sa pampublikong lugar, 54 ang naninigarilyo, 23 ang nakahubad-baro, at 100 menor de edad ang lumabag sa curfew.

Nabatid sa report na walang naitalang ordinance violators sa Las Piñas, Taguig at Pateros, habang pinakamarami ang naaaresto sa paglabag sa mga ordinansa sa Muntinlupa, na umabot sa 108.

Probinsya

Lalaki, halos maputol ang daliri matapos saksakin ng pinagkakautangan

Ayon pa sa ulat, nasa 53 ang pinagmulta, 139 ang binigyan ng warning o babala, at tatlo ang kinasuhan.

Napag-alaman na may siyam na detainee na nahaharap sa paglabag sa ordinansa ang kasalukuyng nasa detention cell ng Pasay City Police.

-Bella Gamotea