HINDI na pala si Xian Lim ang kasama ni Nadine Lustre sa Viva Films movie na Ulan. Si Carlo Aquino ang pumalit kay Xian at ‘tila walang reklamo ang fans dito. May ilan lang na nagtanong sa Viva Artists Agency tungkol dito pero hindi naman sinagot.

Si Xian ang sumagot sa tanong ng isang netizen na, “Hindi na po ba si Xian Lim partner nya @VivaArtists?”

Sumagot si Xian: “Thank you for asking:) no I’m not part of the movie na po. Congrats in advance sa lahat ng bumubuo ng movie. It’ll be a great one for sure.”

Talent ng VAA si Xian, may exclusive contract ang aktor sa kanila. Siguro naman, hindi nila hahayaang walang kapalit na project si Xian ngayong si Carlo na ang makakasama ni Nadine.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Mainit si Carlo ngayon after the box-office success of Exes Baggage nila ni Angelica Panganiban. Ang latest update, umabot na sa P300 milyon ang box-office gross ng pelikula.

-Nitz Miralles