LUKANG-LUKA ang katoto na papasok sana sa banyo para umihi, dahil aksidente niyang napasok sa CR ang kilalang rapper, na naaktuhan niyang umiihi dahil hindi ito nagsara ng pinto.
“Ihing-ihi na ako at dahil hindi naman nakasara ang pinto kaya diretso ako. Nagulat ako kasi nandoon si (kilalang rapper) at umiihi rin at parang kumakanta-kanta pa. Umatras ako, kasi pag-isang tao lang ‘yung banyo. Nakakaloka talaga siya!” kuwento ng katoto.
Medyo matagal daw gumamit ng banyo ang kilalang rapper, kaya naghintay pa ng ilang minuto ang katoto bago makagamit ng CR.
“Pagpasok ko, hindi maganda ang amoy ng banyo. Hay naku!” kuwento pa sa amin.
Ang nasabing rapper ay ‘tila may sariling mundo dahil hindi siya masyadong nakikipag-usap, maliban sa manager niya.
Pero kapag nag-perform naman ay, “hayup sa galing” kung ilarawan ng aming katoto na nakahuli sa kanyang umiihi.
“‘Yun lang, hindi ko pa rin siya gusto!” sabi ng aming katoto.
-Reggee Bonoan