PINANGUNAHAN nina Jea Pcholuo Abalo, Clyde Harris Saraos at Jayson Salubre ang mga nagkampeon sa kani-kanilang dibisyon sa 2018 Barroso Chess Cup,NCFP rated event na ginanap sa Bukidnon State University (BSU) Gymansium sa Malaybalay City, Bukidnon nitong Sabado, Oktubre 13,2018.

Ayon kay Fide National Arbiter Joseph Gener “Jojo” Palero , isa sa conveners ng APM chess tournament sa Davao City, si Abalo ay magandang ang ipinakita sa event na ito kasama na ang pagtala ng apat na sunod na panalo kabilang na ang final round victory kontra kay Ashly Martinez para masikwat ang korona ng Elementary division tungo sa pagsubi ng P4,000 at trophy.

Tumapos si Abalo ng 6.5 points sa seven outings mula six wins at draw sa event na inorganisa ni tournament director John Ian Barroso habang ang Chief Arbiter ay si NA Cecilio “Ely” Acas at ang Event coordinator ay si Nolly Cabilas, chess coach din ng Bukidnon State University.

Bukod kay Abalo na nagtala din ng walong bahid na pagkatalo sa chessfest na sinuportahan n ng Barroso clan ay sina Clyde Harris Saraos at Jayson Salubre.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakihati ng puntos si Saraos kontra kay Christian James Aquino sa final canto tungo sa 6.5 points para maghari sa High School and College category. Naibulsa niya ang P4,000 at trophy.

Si Salubre sa isang banda ay nanaig kontra kay National Master Levi Mercado via tiebreak points para makopo ang korona sa Open blitz category. Kapwa nakapagtala sina Salubre at NM Mercado ng tig 6 points.

Si Salubre na dinaig si Fide Master Victor Bruce Lluch sa sixth at penultimate round at naki draw kontra kay Mario Cagulada sa last round ay nakatangap ng top prize P5,000 at medal matapos mangibabaw sa Open blitz category habang si Mercado na giniba naman si Harisson Maamo sa seventh at final round ay naiuwi naman ang runner-up prize P2,000 at medal.

Ang Open rapid category ay kasalukuyang isinasagawa nitong Linggo habang isinusulat ito