PANGUGUNAHAN ni International Master Angelo Young ang mga kalahok sa pagtulak ng 2018 Pintaflores Invitational Chess Tournament sa Oktubre 1314 sa San Carlos City Sports Complex sa San Carlos City, Negros Occidental.
“I hope to do well in this event,” pahayag ni Young, tumapos ng second place sa GM/IM Norm Invitational Chess Tournament nitong Abril 4, 2018 na ginanap sa Charlotte Chess Center and Scholastic Academy sa Charlotte, North Carolina, USA.
Ang iba pang manlalaro na lalahok sa weekend’s 8-round Swiss system rapid competition ay sina Fide Master Nelson “Elo” Mariano III, National Masters Emmanuel Emperado, Rommel Ganzon, Leonardo Alidani, Edsel Montoya, Arnolito Cadiz at Anthony Makinano.
Ang magkakampeon sa open division ay magbubulsa ng P15,000, habang nakalaan naman sa second hanggang fifth placers ang tig P10,000, P5,000, P2,500 at P1,500, ayon sa pagkakasunod.
Inilatag din ng organizing San Carlos City Chess Club, sa pamumuno ni Henry Silva ang libreng pagkain at accommodation sa out-of- town participants sa torneo na itinataguyod ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), at suportado ni San Carlos Mayor Gerardo Valmayor, Jr.