AFTER 19 years of marriage ay naghiwalay ang mag-asawang Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

Marami ang nagulat, nalungkot at nanghinayang. Ayon sa isang malapit na kaibigan ng dalawa, it was a mutual decision. At alang-alang sa kapakanan ng kanilang limang anak ay tumanggi sila na magpa-interview, at umapelang irespeto na lang ang kanilang privacy.

Sa pagbabalik-tanaw, tatlong beses na nagpakasal ang dalawa para ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Ilang beses din nilang ipinagmalaki sa publiko ang pambihira nilang partnership hindi lang bilang mag-asawa kundi bilang best of friends. Magkatuwang din sila sa pagpapalago ng kanilang restaurant business, ang Salo at ang Tambayan.

Hindi maiaalis na lumutang ang mga sari-saring dahilan sa tunay na dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Ang nakatitiyak lang ay no third party is involved. Naging mabuting ama si Romnick sa kanilang mga anak, at hindi siya pabayang asawa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Right now, tanging hiling ng estranged couple ay pang-unawa. Hangad nilang maikondisyon ang kanilang mga anak sa nangyaring hiwalayan.

Nakatakdang mag-abroad si Romnick for a religious mission, habang magiging abala naman si Harlene sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.

-REMY UMEREZ