Matapos ipahayag na negatibo siya sa cancer, handa si Pangulong Duterte na ipaalam sa kanyang Gabinete sakaling mayroon siyang seryosong karamdaman.

Ipinagdiinan ng Pangulo na ang kanyang kalusugan ay “not for public consumption” ngunit sinabing dapat niyang ipaalam sa Gabinete ang kahit anong sakit niya, dahil ang mga ito ang magdedesisyon kung kaya pa niyang pamunuan ang bansa o hindi.

“Actually, it is not for public consumption. The Constitution says that you must let the people know but the procedure is not go direct to the people,” pahayag ni Duterte sa isang press conference sa Malacañang, nitong Martes.

“The Cabinet should be the one to decide if you are fully incapacitated to discharge the functions of your office,” dagdag niya.

Sen. Bong Go, binalikan payo sa kaniya ni FPRRD

Una nang isiniwalat ng Pangulo na wala siyang cancer kasunod ng kanyang medical check-up, nabura ang usap-usapan tungkol sa kanyang kalusugan. Sinabi ni Duterte na ang kanyang medical tests ay “negative” sa cancer.

“Hindi pa ako cancerous so do not be afraid to go near me. I will not contaminate you,” pahayag niya.

Gayunman, inamin ni Duterte na siya ay may Barrett’s esophagus o gastroesophageal reflux disease (GERD). Ipinagtapat niya na lumala ito dahil uminom siya uli ng alak sa nakalipas na mga buwan.

“It’s not the colon. It’s my Barrett. Dito ‘yan. It’s badly eroded because I was told to stop drinking years ago. But of late, bumalik kasi ako... Barrett is actually GERD but it’s a bad case of GERD,” pahayag niya.

-Genalyn D. Kabiling