PAGKARAAN ng ilang buwang pananahimik tungkol sa tsismis na hiwalay na sina Cristine Reyes at Ali Kathibi, na ikinasal noong January 2016, lumutang na naman ang balitang nagkanya-kanya na talaga ng buhay ang mag-asawa.

Cristine at Ali copy

Ayon sa kumalat na balita, ilang buwan nang hiwalay sina Cristine at Ali, pero tahimik lang daw ang magkabilang kampo.

Nangalap ng impormasyon ang PEP.ph tungkol dito mula sa mga taong nakakakilala sa dalawa, o may impormasyong makapagkukumpirma sa nasabing balita.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

May ilan sa kanila ay nagsabing wala silang alam tungkol sa isyu, habang ang iba ay nanatiling tikom ang bibig tungkol sa isyu.

Ngunit, may isang taong nakakakilala sa dalawa na nagpaunlak sa ilang katanungan mula sa amin.

Ayon sa source, hiwalay na sina Cristine at Ali bago pa man ang Boracay bonding ng magkakapatid na Ara Mina, Cristine, at Heidi Gatmaitan noong Marso. Hindi kasama si Ali noon, pero idinahilan ni Cristine na “girls night out” ang nangyari kaya wala ring kasamang escort sina Ara at Heidi. Bukod sa magkakapatid, kasama rin ng tatlo ang kani-kanilang anak.

May ilang detalye pang ibinahagi ang source sa PEP.ph, katulad ng hindi umano pabor ang ina ni Cristine kay Ali, at problema rin umano ang hindi pagkakaroon ng stable job ng mixed martial arts artist.

Ngunit iginiit ng source na walang third party sa hiwalayan.

Hindi naman alam ng aming source kung nakapag-file na ng legal separation o annulment of marriage si Cristine, pero binalak na raw ito noon ng Viva artist.

Hiningan din ng PEP ng pahayag si Cristine, sa pamamagitan ng kapatid niyang si Ara, nitong Oktubre 5, pero ang tanging sagot lang daw ni Cristine kay Ara ay “dedma”.

-ADOR V. SALUTA