KASALUKUYANG nasa Dubai si Angelica Panganiban kasama si Carlo Aquino para um-attend sa screening ng pelikula nilang Exes Baggage.

Pero sa airport pa lang ng Dubai ay naka-encounter na kaagad ng problema si Angelica mula sa isang netizen doon na nagsabing “sinadya” ng aktres na hindi magpa-picture sa ilan nating kababayan doon.

Post ng netizen na may handle na khierztenzie04: “Nag-arrive siya kanina dito sa Dubai, siguro para mag-promote. But then nung lumapit ‘yung mga friends ko para magpa-picture eh nagtatakip siya ng hood ng jacket niya at halatang pilit ang ngiti.

“Tapos nung palabas na siya ng airport, eh, nakabusangot na naglalakad at hindi talaga approachable. Halatang sinadya niya para ‘di siya lapitan ng tao. Nakaka-disappoint lang, idol pa man din kita (sad emoji).” Sinagot naman ni Angelica ang netizen, at naglitanya tungkol sa mga bagay na pinagsasabay-sabay niyang gawin sa ngayon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod kasi sa pagpo-promote ng pelikula, ginagawa rin ni Angelica ang teleseryeng Playhouse, at ang comedy gag show na Banana Sundae.

“Sa susunod na flight, kahit wala akong tulog, ikaw una kong lalapitan. Kasama friends mo. Hindi ko tatakpan hair ko, para oily. Para mukhang pangit ako. Para makita insecurities ko. Okay ‘yun?

“@khierztentzie04 Gusto ko din pala magpa-picture sa ‘yo. Pero may twist. Gawin mo ‘yung ginagawa ko, ‘yung acting na ganun sa pelikula. Kapag nagawa mo, t*ng*na, tara. Best friend na kita.

“Tapos may soap opera at sitcom in between. May promo din ‘yan ha? Kanta-kanta at sayaw ka din sa (It’s) Showtime, ASAP … okay ba? Free schedule mo sa March 9 pa. Sa March ka pa matutulog. Tara?”

Sa huli, humingi ng pasensiya si Angelica sa netizen at sinabing siya man ay “disappointed” sa sarili niya dahil sa nangyari.

Eto ang huling post ni Angelica sa nasabing netizen: “@khierztentzie04 Pasensiya na. Pagod na pagod na ko. Sana magkita tayo ulit. ‘Yung wala akong jacket para ‘di ka ma-offend. (kiss emoji) Disappointe

-ADOR V. SALUTA