Nasa 12 pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang tumanggap ng parangal sa flag-raising ceremony sa NCRPO Grandstand sa Camp Bagong Diwa, Bicutan sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Bago ang parangal, pinasalamatan ni NCRPO Regional Director Guillermo Eleazar ang mga pulis sa Metro Manila sa mahusay na pagtupad sa kanilang tungkulin at serbisyo bilang tagapagbantay ng kaayusan at katahimikan ng Metro Manila, gayundin ang pag-aresto sa mga sangkot sa ilegal na droga at krimen.

Dumalo sa seremonya at nagsilbing panauhing-pandangal si Senador JV Ejercito, na naatasang magsabit ng Medalya ng Kagalingan sa 12 pulis.

Tinanggap din ng senador ang isang plaque of appreciation mula sa NCRPO.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Sa pahayag ni Sen. Ejercito, ibinida niya na noong alkalde pa siya ng San Juan City, ay naharap siya sa kaso dahil sa pagbibigay suporta sa hanay ng pulisya nang bumili siya ng mga long firearms para ipamahagi sa mga tauhan ng San Juan City Police, pero kalaunan ay naibasura na ang kaso.

-Bella Gamotea