BUHAY si Aubrey Hidalgo, ang karakter na ginagampanan ni Ryza Cenon bilang anak ni Presidente Oscar Hidalgo (Rowell Santiago), sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ryza copy

Sa madaling salita, magtatagal pa si Ryza sa Ang Probinsyano, kahit na kasama rin siya sa The Generals’ Daughter, na sinisimulan nang mag-taping kahit sa 2019 pa ito eere.

Ginarantiyahan siguro ni Coco Martin na hanggang sa ending ay mapapanood sa action serye si Ryza, dahil nalaman namin sa isang source na “after Probinsyano, bayad na ang bagong bahay na binili ni Ryza.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Napa-wow kami dahil nasa P35 milyon pala ang presyo ng bahay ni Ryza, na matagal na niyang pangarap para sa sarili.

“Imagine, ang tagal niya sa GMA, ngayon lang siya makakabili ng sarili niyang bahay?” sambit pa sa amin ng source.

Sa madaling salita, mas malaki ang talent fee ni Ryza sa ABS-CBN kumpara sa GMA 7? Kasi produkto ng Kapuso network ang aktres kaya siguro hindi kalakihan ang TF niya. Ganito rin naman ang katwiran ng mga taga-Kapamilya na kaya lumilipat ay dahil mas malaki ang alok ng kabilang network.

Going back to Ryza, sinuwerte siya sa ABS-CBN dahil bukod sa ang ganda ng exposure niya sa Ang Probinsyano, may isa pa siyang teleserye next year na papalit din sa nasabing programa ni Coco.

Teka, hindi lang naman si Ryza ang nakabili ng sariling bahay dahil sa Ang Probinsyano. Dahil sa serye ay nakabili na rin ng bahay si Brigadier General Diana Oligario, na ginagampanan naman ni Angel Aquino.

Yes, Ateng Jet, sitsit din sa amin ng aming source ay nakapagpatayo na rin ng bahay ang magandang aktres para sa kanilang mag-iina (kasama ang dalawang anak na babae).

“Before kasi ‘yung bahay nina Angel, kasama ang parents niya. So now, solo na nilang mag-iina ‘tong new house nila,” kuwento sa amin ng aming source, pero hindi na namin babanggitin kung saan ang nasabing bahay.

Sa totoo lang, hindi lang sina Ryza at Angel ang natulungan ng top-rating serye ni Coco. Lahat ng artista, staff and crew ng Ang Probinsyano ay malaki na ang ipinagbago ng mga buhay.

Heto nga recently, si Mystica—na ilang linggo pa lang naming napapanood sa Ang Probinsyano, nakabili na kaagad ng worth P1.2 milyon na sasakyan na nagagamit niya sa taping.

Anyway, marami rin kaming nakakausap na mga artista na gustong maging parte ng action serye ni Coco, na balitang extended na naman hanggang sa Hunyo 2019, sa halip na hanggang Pebrero na lang.

Biro nga namin sa aming kausap: “Bakit hindi na lang isaktong September, para saktong four years (ng serye).”

-REGGEE BONOAN