Ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito upang matiyak ang katatagan ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa sa gitna ng napaulat na pagbaba ng satisfaction rating ng administrasyon sa ikatlong bahagi ng taon.

Aminado rin si Presidential Spokesman Harry Roque na kaya nakatanggap ng lagapak na rating ang pamahalaan sa paglaban sa inflation ay dahil ibinatay ito sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

“Regardless of the numbers, we assure everyone that the Administration is working double time to ensure prices of basic goods become stable as we cushion the impact of higher inflation,” anito.

“May mga hakbang nang isinagawa ang pamahalaan, kasama na ang pag-angkat ng bigas at pagsibak ng mga ilang tauhan na may kinalaman sa pagkawala ng libo-libong sako ng bigas, para masolusyunan ang kakulungan ng supply sa pamilihan na siyang nagpapataas ng presyo ng mga bilihin,” pahabol ni Roque.

National

Honeylet naiyak sa ginawa kay FPRRD: 'Kinidnap n'yo siya, wala kaming laban!'

Sa inilabas na survey na isinagawa nitong nakaraang

buwan, natukoy na 65 porsiyento ng mga respondent ay nagpahayag ng pagkakuntento sa performance ng Duterte administration.

Aabot naman sa 15% ang hindi nakuntento at 19 porsiyento ang hindi matiyak kung kuntento o ‘di nasiyahan.

Ang nasabing bilang ay nagresulta sa net satisfaction rating nito na +50 na ikinokonsiderang “very good,” para sa administrasyon at mas mababa kumpara sa +58 “excellent” grade nito nitong nakaraang Hunyo.

“Nagpapasalamat kami sa ating mga kababayan na patuloy na nasisiyahan sa Administrasyong Duterte,” sabi pa ni Roque.

-Genalyn D. Kabiling