Isa na namang big-time oil price hike ang ipatutupad sa bansa ngayong linggo.
Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng P1.40 hanggang P1.50 ang kada litro ng diesel, P1.30- P1.40 sa kerosene, at 80 sentimos hanggang P1.00 naman sa gasolina.
Ang bagong dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Ito na ang ikalawang oil price hike ngayong Oktubre, matapos ang apat na magkakasunod na taas-presyo sa produktong petrolyo nitong Setyembre.
Nitong Oktubre 2, P1.35 ang itinaas sa presyo ng diesel, P1.10 sa kerosene, at P1.00 sa gasolina.
-Bella Gamotea