AS of press time, hindi pa rin maliwanag kung kailan makakaalis si Regine Velasquez-Alcasid, kasama ang husband niyang si Ogie Alcasid para sa kanyang R3.0. US concert tour. Si Ogie ang special guest ni Asia’s Songbird sa concert.

Regine at Nate

Hindi maliwanag kung ano ang problema na hindi sila nabigyan ng working visa. Kinansela na ang first show ni Regine sa Chumash Casino Resort.

“Due to unforeseen circumstances Regine Velasquez with Ogie Alcasid concert has been forced to cancel. We apologize for any inconvenience this may have caused and look forward to seeing you at a rescheduled date,” post ng Chumash.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Kinumpirma rin ito ni Regine sa sarili niyang post, at gaya ng Chumash ay humingi rin siya ng paumanhin sa mga fans niya sa Amerika.

Kahapon, muling nag-post si Regine sa Instagram tungkol sa nakanselang concert niya: “Sa kabila ng mga hindi magandang pangyayari this week, may isang taong naging masaya dahil hindi umalis si mom and dad. #kwentongnanay #natesionary #my BooBear.”

Kung natuloy ang concert at muling iiwan ng mag-asawa ang kanilang unico hijo nilang si Nate. Kaya naman masaya ang bagets na hindi pa sila natuloy umalis na mag-asawa.

-NORA V. CALDERON