NADAGDAG na ang pangalan ni Marco Gumabao sa listahan ng mga pumirma ng management contract sa Viva Artists. Agad naman siyang binigyan ng project mula nang pumirma sa ilalim ng agency. Siya ay anak ng dating aktor na si Dennis Roldan.

Marco copy

Ngayon nga ay mapapanood na si Marco sa afternoon soap na Los Bastardos ng ABS-CBN. Gaganap siya bilang isa sa mga anak ni Ronaldo Valdez. Matapos lumabas sa short cameo role sa Abay Babes, ay kasama rin siya sa cast ng pelikulang Para sa Broken Hearted.

Naging maingay ang pangalan ni Marco dahil sa pelikulang Abay Babes. Nagsuot kasi si Marco ng revealing swimsuit sa pelikula, kaya naman nabansagan siyang “the new millennial hunk” ng 2018.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Wala naman daw problema kay Marco ang pagpapakita ng katawan o paghuhubad kung sadyang kailangan ito sa istorya. Hindi rin, aniya, madali ang pagpapanatili ng magandang physique dahil hindi madali ang pagdidisiplina sa sarili.

Sa pelikula namang Para sa Broken Hearted ay boyfriend si Marco ni Shy Carlos. Sobrang dominante ng karakter rito ni Shy kaya naman hiningian ang aktor ng pananaw tungkol sa napagtanto at natutunan niya mula sa kanyang karakter.

“Madaling umibig pero mahirap maging broken hearted,” sabi ni Marco.

-REMY UMEREZ