NAGING masaya at puno ng awitan ang media launch ng bagong musical variety program ng GMA Network, ang Studio 7. Pagpasok pa lang ng lahat ng bumubuo sa show ay masaya na ang atmosphere, lalo na at “biling-bili” ang pakuwela ng comic duo nina Super Tekla at Donita Nose, na kasama rin sa show.

'Studio 7' cast

Hindi na natapos ang question and answer sa bumubuo ng cast, dahil pinakanta na sina Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, comebacking Kapuso Pop Heartthrob Mark Bautista and Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

Kaya pagkatapos ng tatlo, hindi rin tumangging magparinig ng mga songs, a-capella, sina Gabbi Garcia, Migo Adecer, Mikee Quintos, KylineAlcantara, at ang nagbabalik-Kapuso na si Rayver Cruz.

Jomari Yllana, natapos na sa master's degree; Abby Viduya, super proud sa mister

Patatalo ba naman ang mga naging finalists ng very successful na The Clash na sina Garrett Bolden, Jong Madaliday, Josh Adornado, Mirriam Manalo, at ang first The Clash grand champion na si Golden Cañedo.

Kasama rin sa show ang new Kapuso stars, ang Legaspi twins na sina Mavy at Cassy, na tiyak na magagandang production numbers ang gagawin kasama ang young actress na si Kate Valdez. Every Sunday kasi, iba-ibang presentations, new segments, ang gagawin nila at may special guests pa silang makakasama.

Magkakaroon din ng chance ang mga fans and televiewers na maranasan ang ultimate “Kapuso Music Tambayan”, dahil puwede silang makipag-interact sa mga stars ng show every episode linggu-linggo. Marami pang sorpresang ibibigay ang show sa mga televiewers every Sunday.

Ang TV director ng Studio 7 ay si Miguel Tanchangco, while si Paolo Valenciano ang creative director.

Sa October 14 na ang grand premiere ng Studio 7, at 7:40 pm-8:40 pm, sa GMA Sunday Grande.

-Nora V. Calderon