HANDA at kumpiyansa sina defending champion Grandmaster Darwin Laylo, Fide Masters David Elorta at Austin Jacob Literatus sa pagtulak ng 2nd annual Chooks to Go National Rapid Chess Championships bukas sa Activity Center Ayala Malls South Park sa Alabang, Muntinlupa City.

Ang tatlong manlalarong nabangit ay kapwa nakapagtala ng tig-pitong puntos sa walong laro para tumapos ng three-way tie sa first place sa katatapos na 6th Atty. Jong Guevarra Cup Mindanao Chess Festival NCFP rated Open division nitong Setyembre 29 sa Food Hall, Gaisano Mall sa Toril, Davao City.

Ang iba pang notable players sa Open division meet ay sina Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr., International Master Chito Garma, Fide Master Nelson “Elo” Mariano III at National Masters Noel dela Cruz at Emmanuel Emperado.

Ang Open champion (18 anyos pataas) ay tatangap ng P20,000 cash at trophy. Nakalaan naman sa runner-up ang P10,000 at trophy, ang third place ay P7,000 at medal, ang fourth place ay P5,000 at medal at ang fifth place ay P3,000 at medal.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nakalaan naman sa 6th hanggang 10th place ang tig P2,000 plus medals.

May special awards na tig -P2,000 at medals para sa Top 2000 and Below, Top 1900 and Below, Top 1800 and Below, Top Lady at Top Senior.

“Our belief in developing the Filipino potential, especially in the field of sports, motivates us to continue supporting not only basketball but also chess tournaments, which foster self-confidence and camaraderie among players, sabi ni Chooks-to-Go President and General Manager Ronald Mascariñas.

Ayon kay Rotary Club of Nuvali president Noel Divinagracia ang 2nd Chooks to Go National Rapid Chess Championships ay ipatutupad ang 7-round Swiss System Four Division Tournament na may time control na twenty minutes (20) plus 5 seconds delay sa bawat manlalaro para tapusin ang laro. Ito ay bukas sa lahat ng manlalaro anuman ang kanilang edad, rated o non-rated, male o female.

May 400 chess players mula Metro Manila at iba pang parte ng bansa ang inaasahang lalahok sa National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament.

Ang organizers Rotary Club of Nuvali at Muntinlupa City sa pakikipagtulungan ng Ayala Malls South Park at Philippine Executive Chess Association ay naglatag din ng Kiddies division (12 anyos pababa), Junior division (12 to 17) at Executive division (PECA Members).