THERE is a saying that goes like this: The heart has a reason that reason can’t explain.

Janella copy

Swak na swak ang kasabihang ito kay Janella Salvador.

Masasabing naging “pasaway” si Janella nang matutong umibig sa kanyang ka-love team na si Elmo Magalona. Tutol ang kanyang inang si Janine Desiderio sa relasyon nila ni Elmo, hanggang sa nagsasagutan at nagpapalitan na ng masasakit na salita sa social media ang mag-ina.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Recently, naging laman ng showbiz columns ang umano’y pananakit ni Elmo sa kanyang girlfriend. Allegedly ay itinulak si Janella sa van, at nahulog daw sa kalye.

Kaya naman sabi ng isang nagmamalasakit, salamat at nauntog at nagising na si Janella sa katotohanan, at hopefully ay ma-realize niyang “a mother knows best”.

Ito na siguro ang katapusan ng ElNella love team, na hindi rin naman masyadong tinangkilik ng publiko ang huling dalawang pelikula nila, ang Bloody Crayons at A Fairy Tail Love Story, isama na rin ang teleserye nilang Born For You.

Nahaharap ngayon si Janella sa bagong panimula, at walang dahilan para hindi niya makamit ang kasikatan. Kung talent din lang naman ang pag-uusapan, Janella has this. She sings well at mahusay din siyang umarte.

-REMY UMEREZ