Pasigla nang pasigla ang paglago ng Pilipinas sa bawat araw katuwang ang Japan, na pinakamalakas at pinakapipitagang kaalyado nito, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.
Muling pinatibay ng Pangulo ang malakas na relasyon sa Japan, kabilang ang yumayabong na economic cooperation, habang binibigyang– diin ang malakas na partnership ng rehiyon sa Asian economic power sa Fukuda Doctrine commemoration nitong linggo.
Kinatawan ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Duterte sa unveiling ceremony ng commemorative marker ng doktrina ni dating Japanese Prime Minister Takeo Fukuda sa Manila Hotel nitong Lunes.
Nasa nasa Manila Hotel si Fukuda noong Agosto 18, 1977 nang ideklara niya ang pangako ng Japan na hindi na magiging military power at sa halip ay patitibayin ang relasyon sa mga katabing bansa sa Southeast Asia batay sa mutual trust at equal partnership.
“Today marks a momentous occasion to reaffirm our tie with one of our strongest and most esteemed allies, the Japanese people,” saad sa talumpati ni Duterte na binasa ni Medialdea.
“It is indeed a pleasure to say that the Philippines grows stronger each day with Japan standing with us as one of our formidable partners in various areas of cooperation. Now, more than ever, Philippine-Japan trade and economic relations are flourishing,” aniya.
Binanggit ng Pangulo na ang Japan ang pinakamalaking export market at second import supplier noong 2017. Ito pa rin ang pinakamalaking pinagmumulan ng official development assistance ng bansa.
“In times of calamities and great need, the Japanese government has never failed to extend helping hand to our people, uplifting communities from the effects of poverty, exclusion, natural disasters and other social ills,” ayon sa Pangulo.
Binanggit din ni Duterte na maraming turistang Japanese ang patuloy na nagiging saksi sa kagandahan ng Pilipinas. “Between 2016 and 2017, Japan became our fourth largest source of tourists,” aniya.
-Genalyn D. Kabiling