Patay ang dalawang Pilipina nang bumangga ang sinasakyan nilang kotse sa isang truck sa Palmdale, California, nitong Sabado ng umaga, iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagpaabot na ang DFA ng pakikiramay sa mga pamilya ng dalawang Pinay, na kapwa nasa edad 60 anyos.

Nakikipag-ugnayan ang Philippine Consulate sa Los Angeles sa Los Angeles Sheriff’s Office na nakatakdang maglabas ng mga detalye kaugnay sa aksidente na ikinamatay ng dalawang babae.

Sa ulat kay Foreign Secretary Alan Peter S. Cayetano ni Consul General Adel Angelito Cruz, namatay ang dalawang Pinay matapos sumalpok ang kanilang kotse sa isang construction truck sa 14 Freeway malapit sa Palmdale Boulevard, nitong Sabado ng umaga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-BELLA GAMOTEA