Nagbabala kahapon ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga bakery at panadero hinggil sa napipintong pagtaas ng presyo ng tinapay, dahil sa pagmamahal ng trigo at asukal.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, wala pang pakikipag-ugnayan sa DTI ang mga flour miller, maging ang mga samahan ng mga panadero kaugnay ng napapaulat na nagbabadyang taas-presyo sa tinapay.

Kaugnay nito, inihayag ng Philippine Association of Flour Millers na posibleng tumaas ang presyo ng tinapay dahil naghigpit ang supply ng trigo, na isa sa mga pangunahing sangkap sa paggawa ng harina.

Binigyang-diin ni Castelo na dapat munang masiguro ng DTI kung may batayan ang hirit na dagdag-presyo sa tinapay.

National

4.7-magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Giit niya, kinakailangan munang makipag-ugnayan sa kanila ang mga flour millers bago magtaas ng presyo ang mga ito.

-Beth Camia