Inihayag ng Department of Tourism (DoT) na maaabot nila ang target nilang 7.4 na milyong turista na dadagsa sa Boracay ngayong taon.

Nabatid kay Tourism Secretary Bernadette Puyat, na mula Enero hanggang Hulyo ay umabot na sa 3.7 milyong turista ang bumisita sa bansa.

Anila, madadagdagan pa ang nasabing bilang sa muling pagbubukas ng isla Oktubre 26.

Sinasabing ang malaking bilang nga mga turistang dadagsa sa Boracay ay mula sa Korea, China, US, Japan, at Australia.

Eleksyon

Abalos, nanawagan ng sapat na pondo para sa kaguruang magbabantay sa eleksyon

Ipinagmalaki rin ng kalihim na lumago ang turismo sa bansa kahit na isinara ang isla ng Boracay.

-Jun Fabon